Tuesday, September 28, 2010

The NAKED CHEF ( a repost)


August 10th, 2008 by jeorav

Preparing breakfast this morning, half asleep and yearning for coffee, the boiling cooking oil popped and went straight to my hand. I yelled and cursed “masakit ang mabanlian!”. Then I began delivering my lines “ano ba ang nagawa ko sa yo? Wala naman akong kasalanan! Bakit mo ako sinaktan ng ganito?”. After realizing that the frying pan will not give me a dramatic actor complement, I tossed the cooked egg into my plate and prepare my coffee.

Hindi talaga ako nilikha para magluto. It was unfortunate that I was not born with a silver (or golden) spoon pero atleast hindi ako ipinaglihi sa sandok, syense o sa higanting tinidor. Kasi kung nagkataon, hindi ako magtataka kung ipalo ako sa sangkalan o ilublob sa palayok ng nanay ko. And to think my mother is a great cook! She made her wonders through our kitchenette na nagging restaurant and was operative eleven years! Nakapagpatapos ng abugado! NAKS!!!

Then, after my muni-muni, presented below are my thoughts on why I am not into cooking:

a. Siguro, isda ako, freshwater or salt water creature ako nung past lives ko. Syempre, for obvious reasons, hindi ako makakapagluto dahil malamang, pag lumapit ako sa kawali, pinirito ang labas ko! Okay sana kung Japanese at may pagka-zen style yung kitchen, pero naisip ko rin, tatadtarin naman ako, OUCH!

b. Vegetarian monk ako nung previous karmic cycle ko, or kambing kaya? Nguya at kain lang sa paligid pag naugutom. Wala ng lutu-luto! Sabagay, ginagawa ko pa din naman. Pag umoorder ka ba sa fast food at restaurant, kailangan ba, ikaw magluto?

c. Mahilig ako sa anything instant, pati sa food! Basta may hot water or can opener, buhay ako. Actually, siguro pina-practice na ako ng subconscious ko kasi feeling ko, pupunta ako sa New York at magiging ganito ang buhay-pagkain ko. Yun eh kung makakapasa sa Immigration Officer! Dadalhan ko na lang sya ng Chicharon— hindi ko niluto yun!

d. Hindi ako talaga mahilig kumain. Pero kung akala nyo ay saying para sa akin ang kasabihang “a way to a man’s heart is through his tummy”, may remedyo! Pwede SEX na lang? (Ang programanag ito ay Rated PG, patnubay ng Net Nanny at Cyber Patrol ang kailangan).

Syettt!!! Umaga na naman. Magpiprito na naman ako ng itlog, ham at bacon. Teka, Bakit ako may sugat sa kamay? San ko kaya nakuha ito? HHHmmmmm.

No comments:

Post a Comment